Know Your Candidates

Who are you going to vote for in the 2010 election?

It is currently Sun May 28, 2017 9:15 pm




Post new topic Reply to topic  [ 2 posts ] 
 Mahalaga ang boto ko... di ko ibibigay sa di karapat dapat 
Author Message

Joined: Wed Mar 10, 2010 12:34 pm
Posts: 7
Post Mahalaga ang boto ko... di ko ibibigay sa di karapat dapat
I am once again facing square 1 in defending GORDON and complaining about the surveys...

1. Surveys are there because it is a marketing business. Bayad ito ng kandidato. Ano ba ang tanong sa survey at kailan ito naganap? Ilang botante ang sinabi sa survey? 3000 people at the most (from SWS about 2000 at Pulse Asia 3000). Ilan ba ang Pilipinong boboto? 50,000,000. Papayag ba tayong 49,097,000 na madiktahan ng survey? Pinag-aral ba tayo ng magulang natin para maging biktima ng survey na ito? Pinansin ba ninyo ang mock elections online at sa schools na may higit sa 5,000 botante kung saan si GORDON ay number 1? Hindi po iyon bayad... pulso ng masang Pilipino na gusto ng pagbabago.

2. Hindi na ba importante kung ang Presidente ay may magagawa para sa bansa natin? Wala na bang halaga ang ating boto sa panahong ito? Nabibili na ba ito ng survey, diyaryo, tv, at radyo? Hindi ba lahat yan ay marketing efforts at ginagastusan ng kandidato at negosyanteng back-up nila? Hindi ba sa survey nakakakuha ng suporta galing sa negosyante at kadikit na pulitiko?

3. Ang Pilipinas ba ay dapat paikutin ng taong may pera lamang? Survey lang ba ang didikta sa atin ngayon?

4. Nasaan ang track record ng inyong kandidato? Nasaan ang sinseridad nila para sa tunay na mahihirap? Nasaan ang plano nila para sa ating ikauunlad? Hindi daw sila magnanakaw... e bakit pinakamagagastos sila sa Senado? Palabasin ninyo sila sa kanilang lungga at harapin ang mga debate at nang malaman ang tunay na may kakayahan. Natatakot ba silang masira ang takbo ng survey nila?

Matatapos din ang halalan... alam kong nagawa ko ang aking tungkulin na ipaglaban ang nararapat na kandidato... sa puso ko ay panalo na ako. Ipinanalo ko na ang bayan ko! Ang pagmamahal sa bayan ay hindi lamang sa pagtaas ng kamay... ito ay ang pagiging aktibo sa mga issues na hinaharap ng bansa para sa ikauunlad ng mamamayang Pilipino. Ang pagmamahal sa bayan sa eleksiyon natin masusubukan.

Ang tanging panangga ng mga supporters ng kandidatong top sa survey (na bayad at pinasikat ng media) ay... "sayang ang boto mo pag binigay mo pa sa iba." Napakadaling sabihin... napakadaling bolahin... pero walang paninindigan para sa tunay na pagbabago. Marami pa rin kaming lumalaban... matahimik ngunit sigurado. Hindi t-shirt, baller IDs, painom, pakain, o survey ang bayad sa amin... isang pangarap na kay GORDON lang maisasakatuparan!


Wed Apr 07, 2010 3:14 pm
Profile

Joined: Wed Mar 03, 2010 9:21 am
Posts: 36
Post Re: Mahalaga ang boto ko... di ko ibibigay sa di karapat dapat
Tama at may mga taong bumoboto lang din sa isang kandidato dahil trip nila ang kulay na dala ng kandidatong ito minsan ay sinasabing maswerte daw ito, minsan naman ay sa pangalan na katunog daw ng pera kaya yayaman daw talaga ang ating bansa(mayaman na ho ang bansa natin, nasa bulsa lang ng iba) at may mga taong iboboto ang gwapong kandidato, hayz anu ba namang Bayan meron tayu kung ganun ang iniisip natin hindi ba?

At ang isang tunay na nakakaapekto sa maling pagpili ng Iboboto ay, pag minsang natulungn ng isang kandidato , halimbawa nalang ang scholarship ay iniisip na mabait ito(mali ho kayu karapatan natin humingi ng tulong sa kanila, at pera ng bayan yun hindi pera nila)

_________________
Darkness is not something, it is the absence of Light


Wed Apr 07, 2010 5:49 pm
Profile
Display posts from previous:  Sort by  
Post new topic Reply to topic  [ 2 posts ] 


Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 1 guest


You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot post attachments in this forum

Search for:
Jump to:  
cron
Powered by phpBB © 2000, 2002, 2005, 2007 phpBB Group.
Designed by Vjacheslav Trushkin
for Free Forums/DivisionCore.