Know Your Candidates

Who are you going to vote for in the 2010 election?

It is currently Sat Nov 18, 2017 9:02 pm




Post new topic Reply to topic  [ 25 posts ]  Go to page Previous  1, 2, 3
 Hindi ko iboboto si Noynoy! 
Author Message

Joined: Sat Feb 27, 2010 6:22 pm
Posts: 8
Post Re: Hindi ko iboboto si Noynoy!
Pero mr.m, di hamak na mas maraming karanasan si Noynoy sa politika kaysa kay Pres. Cory.

Habang pinag-aaralan ko ang mga plataporma ng mga kandidato at habang nakikita ko ang mga nangyayari ngayon, lalo akong nakukumbinsi na kailangan natin ang tinatawag na inspired leadership. Kailangan natin ng pangulo na gustong sundin ng mga mamamayan.

Maraming magagandang proyekto ang pamahalaan na kulang ng pondo at kulang ng suporta. Maraming magagaling sa pamahalaan na natatabunan lamang ng mga tiwaling opisyal. Kailangan natin ng pangulo na mabuti ang hangarin at tuwid ang pag-isip. Kailangan natin ng pangulo na pareho natin ang panukat ng tama at mali, at gusto nating tulungan para isulong ang ating bayan.

Gusto ba natin ang mga tusong politiko na pareho ng kasalukuyang mga pinuno na walang kahihiyan na niyayapak-yapakan lamang tayo dahil kaya nila tayong yapak-yapakan? Mga politikong nagsasabi ng isang bagay, at gagawa naman ng iba?

Gusto ba natin ang mga magnanakaw (na convicted na) na hindi man lang marunong humingi ng tawad?

Gusto ba natin ang mga magagaling na hindi simpatiko, na gawa ng gawa maski hindi pa nauunawaan ng mamamayan ang nais mangyari? Na hindi nagpapaliwanag at laging bumabangga sa mga hindi pa nakakaintindi? Baka imbes na mamuno, hindi na magka-oras para gumawa ng mabuti?

Palagay ko, dapat piliin ang pinuno na gustong sundan ng mga mamamayan, at nai-intindihan ng mamamayan. Palagay ko, ang tamang maging pangulo natin at si Noynoy, at sana kunin niya sa pamahalaan ang mga magagaling na "action people" pareho ni Dick Gordon at Bayani Fernando.


Fri Mar 26, 2010 11:57 am
Profile

Joined: Fri Mar 26, 2010 3:17 am
Posts: 17
Post Re: Hindi ko iboboto si Noynoy!
Opo sir, malamang nga ay mas maraming experience si Noy kesa sa kanyang ina, pero wala naman siya sa kalingkingan ng kanyang ama. D po ba? Pero paano naman po kung si NOYNOY ay hindi anak ng tanyag na mag-asawa? iboboto ba natin sya kahit sa kabila ng lahat ay maraming mas mahusay sa kanya sa halos lahat ng aspeto? (Pakisagot po) Malamang po kung buhay pa si Madam Cory ay idi-discourage nya si NOY na tumakbong Presidente....

Regarding po sir sa inspired leadersip nyo ay di ako tumututol, ngunit nais ko lang po ipaalaala na hindi lamang para kay Noynoy ang salitang yon, ito po ay pang indibidwal, dahil iba-iba ang inspiration natin pag dating sa ating sinusuportahang kandidato, ang masasabi ko lang po ay hindi ako naiinspire kay Noy.

Tutal naman po ay napagtatalakayan natin ang salitang Inspirasyon,
ay banggitin na rin natin ang simpatya... na siyang isa sa sandata ni Noynoy, dahil po sa pagiging bayani ng kanyang ama na nag alay ng buhay para sa bayan, at sa kanyang ina na naging ina ng bayan, ang mag asawang ito ang tunay na inspirasyon ng mamamayan, at ang nangyayari po ay nasasalo ito ni Noynoy, ako din po ay nakikisimpatya sa pagkawala ng magiting niyang magulang, pero hindi ko po dito ibinabase ang pagpili ng susunod na presidente, ito po ang nagiging problema, nada-divert ang simpatya sa passion. nagpapadala ang mga Pilipino sa mga ganitong pangyayari, nagpapadala sila sa kanilang nararamdaman, at naapektuhan ang pag-iisip ng nararapat sa katungkulan. Masyado pong maliyab ang damdamin ng mga Pilipino, madalas ay nagpapadala sa kanilang nararamdaman, at agarang gumagawa ng hakbang ayon lamang sa nararamdaman.

Pag dating naman po sa alab ng puso o passion, ito rin po ay magandang bagay, ngunit dapat ay pang personal lang, hindi laging dapat inia-apply sa politics, lalo na kung nalilinlang na ang ating pagiisp. isang magandang halimbawa ay si Erap, siya ay tunay na may malaking puso para sa kababayan natin, at naniniwala pa rin ako sa kanya na siya ay napagkaisahan po lamang ng mga tuso at ganid. Siya po ay naluklok bilang presidente, sa kabila ng katotohanan na maraming mas magaling sa kanya tulad ni Roco at Santiago alam ng bayan na di siya masyadong matalino, ito ay dahil sa kanyang pagiging totoo at makamasa kaya naniwala ang taong-bayan sa kaniya, Pinairal po ng ating kababayan ang siklab ng damdamin, does he deserve the Presidency? palagay nyo?

Ito na Presidente na si Erap, napakaraming issues at controversy, ipinakita sa telebisyon ang mga mali niyang gawain, nagliyab na naman ang damdamin ni Juan! pero sa galit naman, at napag desisyunan na mag people power.. Ayun EDSA DOS DAW??? di alam ng mga Pilipino na inuuto lamang sila ng mga ganid na pulitiko... nauto sila dahil di nagiisip, kaya naging Presidente si Arroyo na talaga namang.... part naman ni GMA, eto ha, sumusiklab na damdamin na naman ang pinairal ni Juan, habang iniluluklok kuno si GMA na Presidente natin eh talaga namang nagsasaya sila, teary eyes pa nga eh... di nila alam na niloloko na sila. FALSE HOPE ika nga. sa ngayon naman ay napakarami na ang hindi naniniwala sa administrasyon
Halos lahat po ng pangyayari ay mali rin ng taong bayan, masyado silang nagpapalinlang. Sana di nadaya si FPJ noon... mas ok sigurado ngayon. Anyway...

Ngayon po muli ay PAGKAKATAON NA NATIN ITO na ihalal ang karapatdapat, the one who really deserves the Presidency, yung tunay na may pangarap sa bayan kahit noon pa man, hindi yung kala nya eh superhero siya na kailanagn pang tawagin para tumulong! Yung tapat at sinsero na kaya nyang panindigan at gawin ang ipinapangako niya! hindi yung mapanlinlang sa kapwa at puro salita! Yung presidente ng ma mahirap man o mayaman, hindi yung pangmahirap lang at pangmayaman! Yung marami ng nagawa at naitulong at may proweba na ng kanyang magagandang nagawa at adhikain! hindi po yung bigla na lamang lilitaw dahil inendorso ng partido! Kailangan po natin ang Pinuno na isinusulong ang TUNAY NA PAGBABAGO! malalaman po natin ito kung sino, sa pamamagitan ng pag-gamit sa ating utak, sa pagkukumpara sa bawat isa sa kanila.

Sir ayaw ko rin naman po ng mga tusong pulitiko and the like... tulad nga po ng sinabi ko ay wala akong galit sa kaninumang kandidato, lalo na kay Senator Noynoy, ang akin lamang po ay alam ko na alam nyo rin na maraming mas magaling at maraming mas may magagawa sa kanya tungo sa pagbabago ng ating kaisipan at pag-unlad ng ating bayan. Ang hindi ko lang po talaga maintindihan ay kung bakit siya?
Malamang nga po ay dahil lang sa kanyang magulang... malamang ay dahil rin sa panlilinlang ng Media Network tulad ng ABIAS-CBN, walang ibang ipinapakita kundi si Noy at Villar.

AKO PO AY NANAWAGAN NA SANA AY TAASAN PO NATIN ANG STANDARDS SA PAGPILI.... sa mga nakakabasa na magagalit, humihingi po ako ng paumanhin, sinasabi ko lang po ang mga punto ko. sa mga nakakaintindi at naniniwala ay tulungan nyo po ako na ipaintindi ito sa kanila. lalo na sa mga taong ang sagot ay "BASTA".


Sat Mar 27, 2010 1:26 am
Profile

Joined: Sat May 08, 2010 12:17 am
Posts: 3
Post Re: Hindi ko iboboto si Noynoy!
E di wag mong iboto si Noynoy pero bumoto ka kahit cno ang gusto mo sa mga kandidato kesa naman iba ang bumoto para sa iyo. kung di na pwede ngayon na iba ang bumoto para sa iyo, at least, kung may pinaniniwalaan kang kandidato, sinuportahan mo at pinanindigan mo ang paniniwala mo at diyan magsisimula ang pakikialam mo na matagal mo nang d ginagawa. Wag kang matakot magkamali dahil marami sa mga kandidato ang sadyang sinungaling. Matututo ka rin na kumilatis ng sinungaling sa hindi. Hindi masama ang pulitika. Isa lang yan sa maraming proseso sa ating pang-araw-araw na buhay. Kung naniniwala ka na lahat ng pulitiko ay corrupt, sana makialam ka sa paraang mabawasan sila o tuluyang mawala sila sa pamahalaan at isang paraan ay pumili ka ng malinis na kandidato at iboto mo kahit hindi cya popular. kung sas panunungkulan ay lumitaw na corrupt cya, cguro noong iboto mo cya hindi p cya corrupt pero d lang nakayanan nag kalakaran noong nakapwesto na cya. Ang remedyo doon ay palitan lang sa susunod na eleksyon. Magiging mahusay ka din sa pagkilatis, tatama k din.


Sat May 08, 2010 2:10 am
Profile

Joined: Sun May 09, 2010 11:31 am
Posts: 4
Post Re: Hindi ko iboboto si Noynoy!
im not going to take a risk to vote someone who did not yet prove anything at all.


Sun May 09, 2010 11:40 am
Profile

Joined: Fri Mar 26, 2010 3:17 am
Posts: 17
Post Re: Hindi ko iboboto si Noynoy!
Mars wrote:
E di wag mong iboto si Noynoy pero bumoto ka kahit cno ang gusto mo sa mga kandidato kesa naman iba ang bumoto para sa iyo. kung di na pwede ngayon na iba ang bumoto para sa iyo, at least, kung may pinaniniwalaan kang kandidato, sinuportahan mo at pinanindigan mo ang paniniwala mo at diyan magsisimula ang pakikialam mo na matagal mo nang d ginagawa. Wag kang matakot magkamali dahil marami sa mga kandidato ang sadyang sinungaling. Matututo ka rin na kumilatis ng sinungaling sa hindi. Hindi masama ang pulitika. Isa lang yan sa maraming proseso sa ating pang-araw-araw na buhay. Kung naniniwala ka na lahat ng pulitiko ay corrupt, sana makialam ka sa paraang mabawasan sila o tuluyang mawala sila sa pamahalaan at isang paraan ay pumili ka ng malinis na kandidato at iboto mo kahit hindi cya popular. kung sas panunungkulan ay lumitaw na corrupt cya, cguro noong iboto mo cya hindi p cya corrupt pero d lang nakayanan nag kalakaran noong nakapwesto na cya. Ang remedyo doon ay palitan lang sa susunod na eleksyon. Magiging mahusay ka din sa pagkilatis, tatama k din.



Ah... Nadito po tayo sa Hindi ko iboboto si Noynoy!
kaya hindi ko talaga siya iboboto.

Una sa lahat ay ang iboboto ko ay may paninidigan lalo na sa pagbabago, at masasabi ko na tama ang aking pagkilatis sa kaniya.

Alam ko rin na hindi siya sinungaling, dahil hindi ako katulad ng pangkaraniwan na botante na basta na lamang bobo'to dahil may commercial na maganda, mayaman, may magandang pangalan etc.
Di ako nagpapadala sa survey at mga endorsers. Lalong di ako nagpapadala sa dinadalang Apelyido.

Pinagbasehan ko ang boto ko sa Meritokrasiya.
Lalo na sa kanyang pamamalakad at bisyon, at sa kanyang mga nagawa na.

Pagisipan nyo po ng mahusay ang iboboto nyo.
Siguraduhin nyo na tama ang inyong Pagkilatis.

subukan nyo po na tanggalin lahat ng pangalan nila at tingnan ang mga nagawa at kakayanang mamuno bago ninyo iboto.
Lalo na ang kanyang sinseredad.


Mon May 10, 2010 1:44 am
Profile
Display posts from previous:  Sort by  
Post new topic Reply to topic  [ 25 posts ]  Go to page Previous  1, 2, 3


Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 1 guest


You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot post attachments in this forum

Search for:
Jump to:  
cron
Powered by phpBB © 2000, 2002, 2005, 2007 phpBB Group.
Designed by Vjacheslav Trushkin
for Free Forums/DivisionCore.