Know Your Candidates

Who are you going to vote for in the 2010 election?

It is currently Sun Nov 19, 2017 11:12 pm




Post new topic Reply to topic  [ 25 posts ]  Go to page 1, 2, 3  Next
 Hindi ko iboboto si Noynoy! 
Author Message

Joined: Tue Mar 02, 2010 2:48 pm
Posts: 15
Post Hindi ko iboboto si Noynoy!
Hindi ko iboboto si Noynoy...bkt? Dahil naniniwala ako na sumasakay lang sya sa pangalan ng nanay at tatay nya...isama na din natin ang kapatid nyang si Kris. Sabi nga ng friend ko:

Gibo: galing at talino
Villar: sipag at tyaga
Noynoy: mama at papa

:lol:


Tue Mar 02, 2010 2:53 pm
Profile

Joined: Sun Feb 28, 2010 11:13 pm
Posts: 7
Post Re: Hindi ko iboboto si Noynoy!
Parehong pareho ang iniisip mo sa dating pag-i-isip ko. Kaya inaral ko ng kaunti ang tungkol kay Noynoy.

Si Noynoy ay hindi pa nagkaposisyon sa executive branch. Siya ay naging mambabatas habang siya ay kongresista at senador. Siya at maraming mga ini-sponsor at sinuportahan na mga bills o panukalang batas na magaganda.

Dahil siya ay hindi dating naghangad maging pangulo, siya ay medyo low-profile, or in the shadows. Hindi niya nais magkaroon ng kapangyarihan.

Ano nga ba ang mga ginawa niya? Basahin natin sa
http://www.abs-cbnnews.com/nation/09/10/09/noynoy-aquino-out-shadows

Ngayon lamang na mayroong mga tumatawag sa kanya para mamuno siya nakinig at tinanggap ang hamon ng panahon. Pero simple lang ang pangako ni Noynoy. Mabuting pamahalaan na walang kurakot. At Pilipinas para sa Pilipino. Empowerment ng mahihirap.

Pakinggan mo si Noynoy sa pagpapaliwanag niya ng kanyang plataporma at balak para sa Pilipinas sa http://www.youtube.com/noytv
Habang pinananood ko ang mga video na ito ay iniisip ko, na matalino rin siya at magaling gaya ni Gibo, at maganda ang puso niya gaya ni Ninoy at Cory.

Hindi ko pa tiyak kung Noynoy ang boto ko, pero tinitiyak kong kasama siya sa mga pinagpipilian ko.


Tue Mar 02, 2010 8:08 pm
Profile

Joined: Wed Mar 03, 2010 9:21 am
Posts: 36
Post Re: Hindi ko iboboto si Noynoy!
Bkit naman, kung totoo mang mama at papa nya ang dahilan kung bakit sya tumakbo, hindi naman yun isang masamang rason kung bakit di dapat sya iboto diba, sabi nga kung ano ang puno ganun din ang bunga. ayun nga sa mga biologist ang isang species ay mag re-reproduce of their own kind lang :ugeek: :twisted: hehe tama ba :?:

_________________
Darkness is not something, it is the absence of Light


Wed Mar 03, 2010 9:58 am
Profile

Joined: Tue Mar 02, 2010 2:52 pm
Posts: 13
Post Re: Hindi ko iboboto si Noynoy!
Actually hindi talaga ako naboto :evil: isa sa mga rights ko na di ko napapractice :D . Maliit pa lang kasi ako puro pulitika na ang naririnig ko sa kapaligiran, lumaki kasi ako na ang mga magulang ko ay nakikita ko na lumalaban sa gobyerno panahon pa lang ni cory naririnig ko na ang mga salitang "tuta ng amerikano", then may isa pa ngang pagkakataon na ung aso namin na si tikoy ay naging sikat kasi nasa front page sya ng dyaryo kasi minsang may rally sa senado isinama ng aking ina si tikoy at nakabihis sya ng damit na may pangalang cory kasi nga daw tuta ng amerika daw si cory ng mga panahong iyon. pero siguro sa aking opinyon, kaya lang siguro nasabing tuta ng amerika si cory that time kasi nga katatapos pa lang nating sa rehimeng marcos, para sa isang tao na walang kaalam-alam sa pulitika kumuha lang sya ng lakas or gabay sa amerika. Isa din sa mga dahilan ko kaya di ako naboto kasi nasasawa na akong sa mga naririnig ko na "iboboto ko ito" and yet sa huli "patalsikin natin yan" di ba nakakahilo na, kala natin sya na pero hindi pala :cry:
Sa ngayon naman ang dalang kandidato ng tatay ko si noynoy, laki pa nga ng tarpaulin niya sa sasakyan namin :D at tuwing lalabas ng bahay ang tatay ko, talaga namang laging suot ang ninoy at cory shirt nya, at ang maganda pa nito pati ako binilhan hehehehe. Ang di nya alam di ko talaga gusto si noynoy :evil: . Kung boboto lang ako di ko iboboto si noynoy, natatakot kasi ako sa mga taong nakapaligid sa kanya "pushy crowd" ika nga. Ung mga taong walang ginawa kundi diktahan sya ng mga gagawin. Kahit sa pangangampanya mga kapatid pa rin nya ang gumagawa. Marami syang gustong gawin at plano para sa Pilipinas, madami din syang adhikain, at naniniwala akong di sya magnanakaw, kaso natatakot kasi ako sa mga taong nasa paligid nya, ang mga pabor na ginawa nila para kay noynoy. Baka kasi sa huli ung mga pabor na iyon ay kailangang ibalik ni noynoy sa kanila pag sya na ang nanalo. Pano na pag nawala ang mga kapatid ni noynoy? kaya niya kayang lumaban ng mag-isa? kaya ba niya talagang ipagpatuloy ang laban ng mga magulang nya? kaya niya kayang panindigan ang mga sinabi nya bilang ISANG PANGULO at nag-IISA lang na pangulo?
Ito ay mga katanungan lang at opinyon ko ;) pero sa huli..... di naman talaga niya mabibilang ang boto ko, kasi di naman talaga ako naboto :lol:


Wed Mar 03, 2010 10:50 am
Profile

Joined: Wed Mar 03, 2010 10:34 am
Posts: 5
Post Re: Hindi ko iboboto si Noynoy!
sa tingin ko po, lahat ng mga yan ay may intensyong mag-corrupt. Kung baga, may iba't ibang level lang yan.
.may medyo corrupt
.ganid
.gustong maging pinaka-mayaman sa bansa

dahil sa aking pagkakaalam ay P100,000.00 ang sweldo ng 1 pangulo. sa tingin niyo ba, mababawi nila ang ginastos nila sa pangangampanya sa loob lamang ng 4 na taon ng kanilang pagkakaupo? siyempre hindi di ba? bukod dun ay ang kagustuhan nila na makuha ang kapangyarihan ng isang pangulo. siyempre nga naman, v.i.p. ka sa lahat kaya "choose the lesser evil na lang" kasi anu man ang gawin natin, magkakaroon at magkakaroon tayo ng pangulo.

Ninoy Aquino- namatay si ninoy, naging presidente si cory, namatay si cory, magiging presidente ba si noynoy? mayaman at kilala ang pamilya ngunit parang hindi pa handa. problema lang sa kanilang bakuran hindi nila masolusyunan, bayan pa kaya (yung hacienda luicita). Hindi kaya napasubo lang siya?

Manny Villar- hanep sa commercial. "Tapusin ang Kahirapan". sabi nga ni Gibo, let us be realistic. Hindi matatapos ang kahirapan ng ganun ganun na lang. (parang magic wand haha)

Gibo Teodero- ayus siya, pero hawak siya ng administrasyon, kaya medyo nasisira ang image sa mga tao, kulang din siya sa publicity. Ngayon ko nga lang nalaman na siya pala ang secretary dati ng NDF (pero siya boboto ko :D)

Joseph Estrada - ay ewan ko na lang ang mangyayari sa Pilipinas kung siya ang nanalo. di pa sila nakuntento sa dating pinaggagagawa niya.
Kesyo may katahimikan daw sa Mindanao nung panahon niya (ayon sa commercial niya). Gusto ata ulit ma-impeach haha

Pero the bottom line eh, iboto natin ang nararapat. yun bang sa tingin natin eh may kakayahang maibangon ang Pilipinas sa putikang kinasadlakan niya. ;)


Wed Mar 03, 2010 11:30 am
Profile

Joined: Wed Mar 03, 2010 10:23 am
Posts: 5
Post Re: Hindi ko iboboto si Noynoy!
Hindi ko iboboto si Noynoy! Bkit? sa kadahilanang lagi na lang nya isinasama ang pangalan ng kaniyang magulang. tama nga kung ano ang puno syang bunga.... mayaman at kilala ngunit parang hindi pa handa. Ndi ba ang dapat gawin eh ang tumayo sa sarili nyang mga paa. kung ano ang kailangan at kayang gawin.

sabi nga sa commercial "ndi ako magnanakaw". ayon sa aking pagkakaalam at naririnig eh ndi naman daw naging corrupt nung naging presidente si cory.

Kaya nga iboto kung sino ang nararapat, ang may puso at alam nyong maganda ang hangarin sa ating bansa.


Wed Mar 03, 2010 12:09 pm
Profile

Joined: Sat Feb 27, 2010 6:22 pm
Posts: 8
Post Re: Hindi ko iboboto si Noynoy!
Nabasa mo ba ang sabi ni kaibigang Greg sa itaas?

Sangayon ako sa sinabi ni Greg na kaya hindi natin nakikita ang mga nagawa ni Noynoy ay dahil pawang sa kongreso/senado ang kanyang ginawa. Hindi rin siya mahilig sa grandstanding at mga "praise" release gaya ng ibang mambabatas. Hindi pa nakakagawa si Noynoy ng daan or tulay o eskwela dahil siya ay mambabatas. Ang trabaho ng mambabatas ay gumawa ng batas.

Hindi pa siya naging mayor pareho ni Dick Gordon, Bayani Fernando at Erap Estrada. Trabaho ng mga mayor na gumawa ng daan, eskwela at tulay.

Puntahan mo yung channel ni Noynoy sa YouTube at pakinggan mo ang mga sinasabi niya sa Makati Business Club. Makikita mo na may laman ang sinasabi niya at ipinapangako, hindi tulad ng iba na pulos slogan at mga "motherhood statements" na walang laman.

Nung simula, sabi ng puso ko na isama sa pagpipilian si Noynoy, pero hindi makumbinsi ang utak ko. Nang pag-aralan ko ang mga sinasabi niya sa mga speeches niya, nakita ko ang kanyang talino at ang plano niya na paunlarin ang Pilipinas. Sana ay aralin mo muna ang mga isyu bago mo husgahan si Noynoy.

Simpleng plano. Itigil ang kurakot ay gastusin ang pera sa tamang paraan.

Walang masama na banggitin niya ang pangalan ni Cory at Ninoy. Palagay ko, lahat tayong mga Pilipinong naghahangad na umunlad ang Pilipinas, dapat maalaala at banggitin ang pangalan ni Cory at Ninoy, pati ang ngalan nina Rizal, Bonifacio at Aguinaldo.


Wed Mar 03, 2010 2:33 pm
Profile

Joined: Wed Mar 03, 2010 9:21 am
Posts: 36
Post Re: Hindi ko iboboto si Noynoy!
Bakit hindi pa kase nag give way yung ibang kandidato, kung ang talagang nais nila ay mapaunlad ang bansa bakit hindi nalang sila magtulungan? hindi sila magbigayan? (tulad ng ginawa ni mar at Noynoy) hindi ba nila kayang isuko ang mga nagastos nila, anu ba talaga iniisip nila? :?:

kung nagkaisa lamang silang lahat marami ang mangyayari sa ating bansa, kung di lamang sabik sa kapangyarihan ang ibang tao, pede ka namang tumulong sa pagpapaunlad ng bansa kahit hindi ka pangulo (hindi ba?)

Sa ngayon Si noynoy lamang ang nakakitaan ko ng katangiang hinahanap ko sa isang kandidato(kasama si mar) kayat walang dahilan kung bakit hindi sya ang ating iboboto

_________________
Darkness is not something, it is the absence of Light


Thu Mar 04, 2010 10:30 am
Profile

Joined: Tue Mar 02, 2010 2:48 pm
Posts: 15
Post Re: Hindi ko iboboto si Noynoy!
:lol:

grabe..expected ko na tong mga reply na ganito..dahil everytime sasabihin kong NO to Noynoy...dami nagrereact. Well, yan ang msarap sa isang demokratikong bansa...

Pero still No to Noynoy! Yes to Gordon!


Thu Mar 04, 2010 4:10 pm
Profile

Joined: Wed Mar 03, 2010 9:21 am
Posts: 36
Post Re: Hindi ko iboboto si Noynoy!
Well tama ka basty marami talaga ang magrereact kase democratic na bansa ito at lahat ay may freedom of speech, at ito ay isa sa dapat nating ipagpasalamat sa mga taong ipinaglaban ang kalayaang ito, well sina NoyNoy and Cory ay mga halimbawa lamang ng taong nakipaglaban para dito sa karapatang ito kaya dapat lang pasalamatan...

Well kung ayaw mo naman talaga kay Noynoy, at di na mababago ang isip mo mas mabuti pa nga na Mag Gordon kana lang

_________________
Darkness is not something, it is the absence of Light


Fri Mar 05, 2010 9:37 am
Profile
Display posts from previous:  Sort by  
Post new topic Reply to topic  [ 25 posts ]  Go to page 1, 2, 3  Next


Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 1 guest


You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot post attachments in this forum

Search for:
Jump to:  
cron
Powered by phpBB © 2000, 2002, 2005, 2007 phpBB Group.
Designed by Vjacheslav Trushkin
for Free Forums/DivisionCore.